Petsa nang Pagpapalabas: Setyembre 23, 2016
Haba nang Palabas: 1oras 26minuto
Mga Direktor: Nicholas Stoller, Doug Sweetland
Kategorya: Comedy, Adventure, Animation,Fantasy
Panulat ni: Nicholas Stoller
Prodyusers: Brad Lewis, Nicholas Stoller
Boses nang mga Artistang Bida: Andy Samberg (Junior), Kelsey Grammer (Hunter), Jennifer Aniston (Sarah Gardner), Keegan-Michael Key (Alpha Wolf), Jordan Peele (Beta Wolf), Katie Crown (Tulip), Ty Burrell (Henry Gardner), Danny Trejo (Jasper), Stephen Kramer Glickman (Pigeon Toady)
Tagapamahagi: Warner Bros.
Musika nina: Mychael Danna, Jeff Danna
Bansa: US
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Ang pinakamalaking kumpanya na Cornerstone.com ay gumagamit nang mga storks sa pagdadala nang mga sanggol. Si Junior ay isa sa pinakamagaling na tagapagdalang stork, at malapit na siyang mapromote, nang biglang hindi inaasahang mapindot niya ang makina na gumagawa na sanggol at maglabas ito nang isang babaeng sanggol. Dahil sa kaalaman na magiging problema ito sa kanya at sa kaniyang promosyon gumawa sila nang paraan para madala siya sa kanyang bagong pamilya. Kasama ang kanyang kaibigan na si Tulip sumabak sila sa isang paglalakbay na hindi nila malilimutan na magbibigay nang aral sa kanila.
Pagsusuri:
Ano ba ang tamang palabas para sa mga bata ngayon? Yun bang nakakatawa lng, yun bang may makukuhang aral lang? Para sa akin lahat nang palabas na pambata ay pwede ding pangmatanda. O mas tamang sabihin na ang mga palabas na pang bata ay mga pelikula kung saan mararamdaman mo ang pagiging bata habang pinapanood mo. Yung ibabalik ka sa iyong kabataan sa likod nang magulong mundo nang panahon ngayon. Yung kuwento at mga birong ginagamit ay nakakatuwa at hindi nakakasira sa mga nakatatanda. Dahil mga matatanda ang bumibili nang mga tickets para sa mga batang kasama pati ang mga DVD na pinapanood nila. At tayo din ang namimili kung ano ang papanoorin nila kaya nararapat lang na sulit ang pagbili natin nito.
Ang Stork bagaman inaasahan para sa mga bata, ay naging mas akop na panoorin nang mga nakatatanda. Ang mga biro ay tanging mga mas nakakatanda at nakakaintindi na lamang ang matutuwa. Mas tumalakay ito sa pagiging magulang sa isang anak. At ano ang kaya nilang gawin para sa kapakanan ng kanilang mga anak.
Ang pelikulang ito ay mas maiintindihan nang mga matatanda na. Ang hirap kung paano mag-alaga nang isang anak ay naipakita kung paano mas maiintindihan nang iba. Hind ito maiintindihan nang mga bata na wala pang karanasan o wala pa sa hustong gulang para maintindihan ang mga bagay bagay.
No comments:
Post a Comment