Haba ng Pelikula: 1oras 45minuto
Direktor: Irene Villamor
Panulat ni: Irene Villamor
Kategorya: Romance, Comedy
Prodyusers: Joyce Bernal, Bela Padilla
Bida sa Pelikula: Arci Muñoz (Gwen), Yassi Pressman (Jessica), Bela Padilla (Bridgette), Andi Eigenmann (Clarisse), Kim Molina (Joan), Sam Milby (Louie/Camp Master)
Ipinamahagi nang: Viva Films
Bansa: Pilipinas
Lingguwahe: Tagalog
Paboritong Linya: “Mababaw lang naman ang standards ko. Wala akong ibang gusto, kundi ang mahal ko.”
“Parang LOVE lang yan. Walang Safety-ness.”
Buod:
Limang kababaihan na sina Gwen (Arci), Bridgette (Bela), Jessica (Yassi), Clarisse (Andi) at Joanne (Kim) ang pumasok sa isang camp na kilala sa tawag na Camp Sawi. Lahat sila ay brokenhearted at bilang mga miyembro kailangan nilang tulungan ang isa't isa, sa ilalim nang pamamahala nang camp chef at head coach na si Louie (Sam Milby).
Pagsusuri:
Ang Camp Sawi ang pinakabagong handog ng Viva films na pinangungunahan nina Bella Padilla, Arci Munoz, Yassi Pressman, Andi Eigenmann, Sam Milby at Kim Molina. Hindi talaga ako masyadong nanonood nang mga malulungkot na pelikula. Siguro masyado akong positive na tao kaya hindi ako nakukuha nang mga linya na ginagamit sa mga ganitong palabas ngunit binigyan ko pa rin nang pagkakataon ito dahil kakaiba ang trailer na aking napanood.
Ang Camp sawi ay tungkol sa mga taong gustong magmove on sa kani-kanilang dating karelasyon at nagpunta sa camp upang gamutin at kalimutan ang kanilang sakit na nararamdaman. Pinakita dito kung paano mawawala, gagamutin at tatanggalin ang sakit sa kanilang mga puso at paano mabuhay araw araw habang inaayos ang sarili. Mararamdaman mo na lang na parang hinahanap mo kung sino ka sa mga babaeng ito at kaninong karakter ka nakakapareho.
Inabot ng halos dalawang oras ang pelikula na parang isang libro na naghihintay ka nang kahihinatnan nang bawat isang karakter. Kada sitwasyon nang bawat isa ay kakaiba at kumplikado sa iba’t ibang paraan. Lahat nang bidang babae ay nabigyan na kani kanilang partisipasyon sa pelikula at tiniyak din nang director na sapat ito sa lahat nang bida.
Kung ang mga karelasyon mo dati ay hindi puno nang mga masasayang alaala maaring may mali sa inyong relasyon. Ngunit kung iisipin mo na ang isang relasyon ang siyang kukumpleto sa iyong pagkatao, ikaw ay mabibigo lamang at iyan ang pinakita sa palabas na ito na nangyari sa mga karakter. Tatanungin mo na lang ang iyong sarili kung bakit hindi parin ikaw ang kaniyang pinili kahit masaya naman siya sayo. Hanggang sa hanapin mo ang sagot kung bakit nga ba?
Naipakita ni Bella ang kaniyang galing sa pagarte sa palabas na ito. Maganda din ang karakter na ginapanan ni Arci Munoz. Nakakatuwa si Andi dito kasi sa huli nalaman niya kung ano ang tama para sa kaniya, kung ano ang nararapat at ang pinakamahalaga natuto sa kaniyang pinagdaanan. Sina Yassi at Kim ay nagpakita nang kakaibang galing sa pagganap ngunit mas nangibabaw si Kim kasi damang dama mo sa pelikula ang sakit na kaniyang nararamdaman.
Ito ang klase ng pelikula na magugustuhan nang lahat. Walang pagkukunwari. Walang pabida. At higit sa lahat isang palabas na gusto lamang magkuwento.
No comments:
Post a Comment