Petsa ng Pagpapalabas: Hulyo 13, 2016
Haba ng Pelikula: 2oras
Direksyon: Mike Tuviera
Kategorya: Komedya, Romance
Panulat: Aloy Adlawan, Renato Custodio
Prodyusers: Antonio P. Tuviera, Annette Gozon-Abrogar, Marvic Sotto
Bida sa Pelikula: Alden Richards (Andrew Gracia), Maine Mendoza (Gara)
Pinamahagi ng: APT Entertainment
Kanta: Imagine You and Me by Maine Mendoza
Bansa: Pilipinas
Buod:
Si Gara (Maine Mendoza) ay isang hopeless romantic na Overseas Filipino Worker (OFW) na napakaraming trabaho sa Italya para suportahan ang kaniyang pamilya. Si Andrew (Alden Richards), ay isang heartbroken medical student na nakatira sa kanyang madrasta. Siya ay hindi naniniwala sa kapalaran. Ngunit nang magkrus ang kanilang landas ni Gara ang kanilang magkaibang pananaw ay magbabago at duon magsisimula ang isang kakaibang pagibig.
Pagsusuri:
Ang Imagine You and Me ay ginawa para kina Alden Richards and Maine Mendoza na may istorya tungkol kina Andrew at Gara na naghahanap ng tunay na pagibig. Nang magtagpo sila sa Como, Italy, maraming pagsubok ang kanilang naranasan.
Si Gara ay palaging nangangarap na mgkakaroon ng espesyal na lalaki sa kanyang buhay. Ang paghahanap niya ng true love ay dahil sa pagiging nbsb niya or no boyfriend since birth. Nagpunta siya ng Italya para matulungan ang kanyang pamilya at dito niya nakilala si Andrew. Pareho silang brokenhearted nang magkakilala sila.
Pinakita nang pelikula ang napakagandang paraiso ng Italya,kasama ang magagandang lugar at tanawin ng Como. Tamang tamang lokasyon eto sa unang romantikong pelikula ng Aldub.
Imagine You and Me ay isang rom-com na palabas ngunit entertaining ito at wholesome. Ang karakter ni Maine ay tamang tama sa kanya dahil sanay naman siya sa pagpapatawa. Ngunit sa mga dramatic scenes hindi pa siya masyado at ease.
Dahil sa hirap na pinagdaanan ni Andrew, mas maganda sana kung mas nabigyan pa siya nang madaming eksena. At dahil talented naman siya mas madami siyang maibibigay pa. Pero bumawi naman siya sa mga huling parte ng pelikula.
Nakakatuwang panoorin ang magandang chemistry nina Alden at Maine sa big screen. Light romance lang ang pelikula ngunit kakaiba ang istorya ng bawat karakter.
Sina Kakai Bautista at Cai Cortez ay mga kaibigan ni Gara na typical sa mga nagtratrabho sa ibang bansa. Ang kanilang samahan ang nagbigay ng kulay at saya sa mga nangungulilang OFW.
A thumbs up to Direk Mike Tuviera sa napakagandang at napakasayang pelikula na handog ng Aldub sa lahat ng mga fans nila. Siguro isustain pa ang momentum ng Aldub, isa pang follow up movie?
No comments:
Post a Comment