Wednesday, March 1, 2017

R2B: Return to Base - Movie Review

Promotional Poster
Petsa nang Pagpapalabas: Agosto 15, 2012
Haba nang Pelikula: 1oras 53minuto
Direktor: Kim Dong-won
Kategorya: Aksyon
Panulat ni: KIm Dong-joo
Prodyusers: Jang Taae-gon, Park Sung-geun, Kim Dong-won, Shim Moon-bo, Choi A-ram
Bida nang Pelikula:
  • Rain bilang si Captain Jung Tae-yoon - dating piloto ng Black Eagles na napunta sa 21st Fighter Wing na grupo.
  • Shin Se-kyung bilang si Technical Sergeant Yoo Se-young - isang magaling na mekaniko ng mga fighter jets na tumulong kay Tae-yoon sa kaniyang sinalihang laro.
  • Lee Jong-suk bilang si Lieutenant Ji Seok-hyun - bagong pasok na piloto sa grupo nina Tae-yoon, idolo si Tae-yoon.
  • Yoo Jun-sang bilng si Major Lee Cheol-hee - dating pinakamagaling na piloto ng fighter jets.


Sinematograpiya ni: Kim Hyo-jin


Musika ni: Lee Jae-hak
Taga-ayos: Shin Min-kyung
Taga-pamahagi: CJ Entertainment
Bansa: South Korea
Lingguwahe: Korean, Subtitle (English)
Buod:
Isa sa pinakamagaling na piloto ng mga fighter jets sa Black Eagle team si Jung Tae-yoon. Ngunit ng gumawa siya ng delikadong performance ay natanggal siya dito at nalipat sa 21st Fighter Wing. Nakilala niya ang pinakamagaling na mekaniko ng Fighter Wing na si Yoo se-young. Humingi siya gn tulong dito upang manalo sa isang paligsahan sa pagpapalipad at pag target gamit ang fighter jets. Nakalaban niya dito si Lee Cheol na isa din sa pinakamagaling na piloto, kung hindi lang ito nagkaroon ng kasamahan na naaksidente dahil nito. Nanalo sa paligsahan si Tae-yoon. Habang nagsusurveillance ang grupo nina Tae-yoon, biglang may pumasok na kalabang fighter jet mula sa North Korea na ikasawi ng kagrupo niyang piloto at paglanding ng kasamahan nito na si Ji Seok -hyun sa jet sa kuta ng mga kalaban. Kailangan nila mailigtas ang kanilang kasamahan at pasabugin ang kuta ng kalaban bago makapag launch ang mga ito ng nuclear missile na maaring tumama sa USA.
Pagsusuri:
Punong puno ng aksyon ang pelikulang ito. Kitang kita mo anDirektag kabuuan ng isang fighter jet na makakatwag ng pansin sa mga manonood.

Nais ipabatid ng direktor ang isang kuwento na hindi lamang umikot sa pagiging isang magaling na piloto. Nagpapakita din ito ng mga katangian na dapat taglayin ng isang tao. Una ang paglilingkod ng tapat sa bayan, taos pusong pakikipagkaibigan na kahit sa panganib pipilitin niniyong iligtas ang isa't isa, at ang higit sa lahat ang pagkilala at pagpapahalaga sa iyong trabaho o gawain na walang sinasakripisyong ibang bagay. Maayos na naipaabot ito ng direktor sa mga manonood.

Direkta ang paglalahad ng istorya at walang paligoy-ligoy na ginamit. May ilang eksena lang na hindi agad maintindihan dahil sa sequence ng pagpapakita nito.

Bagay na bagay ang pagganap ni Rain bilang si Tae-yoon. Isang makulit, matigas ang ulo at pasaway na piloto ay kuhang kuha niya. Sinabayan pa ito ng galing ng mukhang mahiyain na kapartner na si Shin Se-kyung bilang si Technical Sergeant Yoo Se-young.

Sa kabuuan sa aking palagay kung fan ka ni rain siguradong napanood mo na ito. Ngunit kung hindi, maaring hindi appealing ang palabas na ito sa'yo. Ang istilo ng pelikula ay hango sa sikat na pelikula ni Tom Cruise na 'Top Gun'.

No comments:

Post a Comment