Saturday, March 11, 2017

Fallen: Movie Review

Petsa nang Pagpapalabas: Nobyembre 10,2016

Haba nang Pelikula: 1oras 32minuto

Direktor: Scott Hicks

Kategorya: Aksyon, Pantasya

Panulat ni: Nicole Millard, Kathryn Price, Michael Ross

Base sa: sikat na nobela ni Lauren Kate na Fallen

Prodyusers: Mark Ciardi, Gordon Gray, Bill Johnson, Jim Seibel

Bida nang Pelikula:
  • Addison Timlin bilang si Lucinda ‘Luce’ Price – napalipat sa Sword and Cross na school, wagas na iniibig ni Daniel.
  • Jeremy Irvine bilang si Daniel Grigori – isang fallen na anghel na wagas umiibig kay Luce.
  • Harrison Gilbertson bilang si Cameron/Cam – isang fallen na anghel na nagkagusto kay Luce.
  • Daisy Head bilang si Arriane  - isang fallen na anghel na kasamahan ni Daniel.
  • Lola Kirke bilang si Penn – mortal na kaibigan ni Luce, pinatay ni Sophia.
  • Sianoa Smit-McPhee bilang si Molly Zane – isang fallen na anghel na palaging galit kay Luce.
  • Chris Ashby bilang si Todd – isang mortal na namatay sa sunog sa library.

Sinematograpiya: Alar Kivilo

Musika ni: Mark Isham

Taga-ayos: Scott Gray

Taga-pamahagiRelativity Media, Lotus Entertainment

Bansa: Estados Unidos

Lingguwahe: Ingles

Buod:

Nalipat sa Sword and Cross si Luce dahil sa isang pangyayari. Dito nakilala niya si Daniel na unang kita pa lang niya ay parang matagal na silang magkakakilala. Palagi siya iniiwasan ni Daniel kung kaya nagtaka siya sa inaasal nito. Nagresearch siya sa katauhan nito katulong sina Penn at Todd ngunit hindi niya inaasahan ang malalaman niya tungkol dito na may kaugnayan din sa kaniya.

Pagsusuri:

Ang sikat na nobela ni Lauren Kate na may kaparehong titulo ay nasa pelikula na ang ‘Fallen’. Sa ilalim ng batikang direktor na si Scott Hicks. 

Nagsimula ang pelikula sa pagdadala kay Luce sa bago nitong boarding school na Sword and Cross. Makikita na agad na kakaiba ang bago niyang iskuwelahan dahil sa misteryosong kapaligiran nito na mas nagdala na kakaibang kaba at takot kay Luce. Si Daniel naman ay isang fallen na anghel na madalas na nasusundan ni Luce. Kahit anong gawin niya at kahit anong tago niya nahahanap pa rin siya nito. Matagal na nabubuhay si Daniel samantalang si Luce ay palaging namamatay sa ikalabing pitong taong gulang nito kapag hinalikan siya si Daniel.

Ang istorya ng pelikula ay tungkol sa kakaibang pag-iibigan nina Daniel at Luce na hinaluan ng mga kakaibang paniniwala gaya ng reincarnation at mga anghel. Maraming elemento ang pinagsama-sama upang mas gawing kaakit-akit ang plot ng kuwentong ito. Ang matalim at malalim na pag-iisip ni Kate ay tiyak na kaaliwan ng marami.

Hindi mo mahahalata yung pagiging anghel sa palabas. Hindi kagaya ng ibang pelikula na masyadong visible ang mga pakpak na ginagamit nila. Dito halos parang magic ang paglabas ng kanilang mga pakpak. Parang natural na natural lang.

May dalang misteryo ang setting ng pelikula. Kitang kita ito sa mga kastilyo at mga estatwa na pinakikita sa buong lugar na nagbibigay ng kakaibang awra sa palabas.

Batang bata at fresh na fresh ang bidang babae na si Timlin. Bagay na bagay sa maamo niyang mukha ang pagiging Luce. Ang mga misteryosong tingin naman ang nagpaakit at nagpaangat sa bidang si Irvine bilang Daniel.

Sa kabuuan nakakaexcite ang kuwento kung saan nga ba hahantong ang pag-ibigang Luce at Daniel. Matatalo kaya nila ang kamatayan para sa pag-ibig? Alamin natin ang mga susunod na pelikula.

No comments:

Post a Comment