Monday, March 6, 2017

Assasin’s Creed: Movie Review

Petsa nang Pagpapalabas: Disyembre 21,2016

Haba nang Pelikula: 1oras 55minuto

Direktor: Justin Kurzel

Kategorya: Aksyon, Pantasya

Panulat ni: Michael Lesslie, Adam Cooper, Bill Collage

Base sa: larong Assasin’s Creed ng Ubisoft

Prodyusers: Jean –Julien Baronnet, Gerard Guillemot, Frank Marshall, Patrick Crowley, Michael Fassbender, Conor McCaughan, Arnon Milchan

Bida nang Pelikula:
  •  Michael Fassbender bilang si Callum Lynch/Aguilar de Nerha – isang assassin na nakakaalam kung nasaan ang ‘Apple’na hinhanap ng mga Templar.
  • Marion Cotillard bilang si Dr. Sophia Rikkin – isang scientist, anak ni Alan Rikki ang leading scientist ng Abstergo Foundation.
  • Jeremy bilang si Alan Rikkin – ama ni Sophia at isang Knights Templar.
  • Ariane Labed bilang si Maria – isang magaling na assassin at partner ni Aguilar noong nakaraan na panahon.

Musika: Jed Kurzel

Sinematograpiya: Adam Arkapaw

Taga-ayos: Christopher Tellefsen

Taga-pamahagi20th Century Fox

Bansa: Estados Unidos

Lingguwahe: Ingles

Buod:

Mula pa noon mahigpit ng magkaaway ang mga Templar at assassin. Si Callum ay mula sa lahi ng mga assassin, kung kaya mula sa kamatayan ay sinagip siya ng Abstergo Foundation upang hanapin mula sa nakaraan angtinatawag nilang ‘Apple’ na maaring gamitin upang magkaroon ng free will sa mundo. Ginamit ng scientist na si Sophia ang kaniyang kaalaman upang himukin si Callum na masama ang mga assassin kung kaya kailangan mahanap ang ‘Apple’. Dahil sa kaalaman na pinatay ng mga assassin ang kaniyang ina kung kaya bumalik siya sa nakaaraan upang hanapin ito sa katauhan ni Aguilar ang assassin na nakakaalam kung saan napunta ang ‘Apple’. Naituro ni Callum kung nasaan ang hinahanap ng mga ito. Ngunit unti unting namulat si Callum na hindi masama ang mga assassin, sila ay tagapagtanggol ng mundo laban sa mga Templar na balak gamitin ang ‘Apple’ sa masamang paraan. Katulong ang iba pang mga natirang assassin sa foundation muli nilang kinuha ang ‘Apple’ at pinatay ang ama ni Sophia.

Pagsusuri:

Ang kuwento ng Assasin’s Creed ay hango sa isang video game na may kaparehong title. Maaksyon at punong puno ng mga labanan na tiyak makakapagpaaliw sa mga manonood.
Si Michael Fassbender ay si Callum Lynch na mula sa angkan ng mga assassin. Muli siyang binuhay upang alamin ang kinalalagyan ng ‘Apple’na matagal ng hinahanap ng mga Templar. Magulo ang umpisa ng kuwento na hindi mo agad maiintindihan kung ano ang nangyayari. Ngunit unti unting nareveal ni Kurzel ang iba’t ibang piraso upang mas maipahiwatig ang tunay na layunin ni Callum na kabilang sa mga assassin at ni Sophia na mula naman sa Templar. 
Maganda ang setting ng pelikula na hango sa ikalabing limang siglo. Ang pagbalik sa nakaraan ay mas nakatulong upang mas maipahayag ang kuwento. Yung mga pinagganapan ng mga nakaraang bahagi ay tunay na kahanga hanga. Punong puno ito ng kasaysayan na bagay na bagay sa pelikula. Isama pa ang magandang mga kasuotan na kapansin pansin sa buong palabas at magaling na mga stunts, tiyak na magugustuhan ito ng marami.
Bagay na bagay kay Fassbender ang pagiging Callum Lynch, yung pisikal na kaanyuan niya at mga misteryosong pagtingin ay mas nakapagpaangat sa kaniya bilang bida. Samahan pa ni Cottilard bilang ang magandang scientist na si Sophia.
Sa kabuuan hindi sapat ang halos dalawang oras upang mabigyang hustisya ang kuwento ng video game na ito. Ngunit bilang pangunang pelikula kulang na kulang ito, mas inaasahan na mas maraming bagay pa ang maibabahagi sa mga manonood ng mga susunod na instalment ng ‘Assasin’s Creed’.

No comments:

Post a Comment