Tuesday, March 28, 2017

Beauty and the Beast: Movie Review

Theater Movie Poster
Petsa nang Pagpapalabas: Marso 16, 2017
Haba nang Pelikula: 2oras 9minuto
Direktor: Bill Condon
Kategorya: Musikal, Pantasya, Romantiko
Panulat ni: Stephen Chbosky, Evan Spiliotopoulos
Base sa: Beauty and the Beast ni Jeanne-Marie Leprince de Beaumont
Prodyusers: David Hoberman, Todd Lieberman
Bida nang Pelikula:
  • Emma Watson bilang si Belle – magandang dalaga na nakakita ng kabutihan kay beast at nainlove dito.
  • Dan Stevens bilang si Beast – ang prinsipe na naging beast dahil sa kaniyang kayabangan.
  • Luke Evans bilang si Gaston – dakilang manliligaw ni Belle na may masamang ugali.
  • Kevin Kline bilang si Maurice – mapagmahal na ama ni Belle.
  • Josh Gad bilang si Lefou – kaibigan ni Gaston
  • Ewan McGregor bilang si Lumiere – naging candelabra.
  • Stanley Tucci bilang si Maestro Cadenza – naging piano.
  • Audra McDonald bilang si Garderobe – naging wardrobe.
  • Gugu Mbatha-Raw bilang si Plumette – naging feather duster.
  • Ian McKellen bilang si Cogsworth – naging mantel clock
  • Emma Thompson bilang si Mrs Potts – naging teapot.
Musika ni: Alan Menken
Sinematograpiya ni: Tobias Schliessler
Taga-ayos: Virginia Katz
Taga-pamahagi: Walt Disney Studios, Motion Pictures
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Isang mabait na anak si Belle. Mahilig siyang magbasa at alamin ang mga bagay bagay. Dahil dito tingin sa kaniya ng mga tao sa kanilang nayon ay kakaiba. Matagal ng nanliligaw sa kaniya si Gaston ngunit hindi niya ito magustuhan dahil sa kayabangan nito. Isang araw umalis ang kaniyang ama at nangako kay Belle na dadalhan ang dalaga ng rosas na hiniling nitong pasalubong mula sa ama sa pagbabalik nito. Habang naglalakbay pabalik si Maurice (ama ni Belle) biglang tinamaan ng kidlat ang isang puno at humarang sa kaniyang daanan kung kaya’t iniba niya ang kaniyang daan. Nakaligtas siya sa mga humahabol na lobo at napunta sa isang kastilyo upang magpahinga at magpainit. Ngunit nagulat siya sapagkat maraming mga bagay ang nagsasalita kung kay kumaripas siya ng takbo. Ngunit bago umalis nakakita siya ng mga puting rosas at naisip na pumitas ng isa para sa kaniyang anak ngunit nahuli siya ng Beast at kinulong. Nalaman ito ni Belle at iniligtas niya ang ama sa kastilyo. Si Belle ang nagpabihag imbes na ang kaniyang ama. Nalaman ni Belle na maraming buhay na kasangkapan sa kastilyo. Tinulungan siya ng mga ito upang makakain, magkaroon ng kuwarto at maayos na damit. Pinagbawalan siya ng mga ito na pumunta sa silangang bahagi ng kastilyo ngunit mapilit pa din si Belle at nakita niya ang isang rosas na unti unting nauubusan ng mga talulot. Nakita ito ni Beast at agad na pinaalis si Belle doon. Sa pagalis ni Belle nakasalubong siya ng mga lobo at tinulungan siya ni Beast upang makatakas. Sugatan si Beast matapos ang pakikipaglaban sa mga lobo kung kaya dinala siya ni Belle sa palasyo upang alagaan. Naging malapit ang dalawa at nagsimulang umibig sa isa’t isa. Nalaman ni Belle na kinulong ng mga tao ang kaniyang ama kaya umuwi siya at iniwan si Beast. Naligtas niya ang ama at bumalik kay Beast upang iligtas ito sa kamay ni Gaston at ng mga tao. Ngunit binaril ni Gaston si Beast na ikinamatay nito. Sinabi ni Belle na mahal niya si Beast at muling nabuhay ang kastilyo. Naging tao muli si Beast at ang mga kasagkapan sa buong palasyo.
Pagsusuri:
Isa na namang sikat na Walt Disney fairy tale ang isina pelikulang muli. Isang klase ng pelikula na klasiko at kahit kailan ay hindi na makaklimutan ang “Beauty and the Beast”.
Ang kuwento nito ay tungkol sa isang prinsipe na naging halimaw dahil sa kayabangan at tanging tunay na pagmamahal lamang ang makakapagpabalik sa kaniya sa dati. Walang iniba at halos parehong pareho ang lahat ng karakter sa pelikulang ito sa Disney adaptation ng palabas.
Hinaluan ng musika ang bawat eksena upang mas maging kasiya siya at katuwa tuwa ito sa mga manonood. Tiyak na magugustuhan ito ng mga bata.
Bagay na bagay ang pagganap ni Watson bilang si Belle. At kuhang kuha naman ang kaanyuan ni Beast sa pelikula. Buhay na buhay din ang pagkakagawa sa mga gumagalaw na kasangkapan na hindi mo iisipin na kathang isip lamang.
Thumbs up sa gumawa ng pelikula. Napakaganda at punong puno ng aral.

Thursday, March 23, 2017

My Ex and Whys: Movie Review

Theater movie Poster
Petsa nang Pagpapalabas: Pebrero 15, 2017
Haba nang Pelikula: 1oras 58minuto
Direktor: Cathy Garcia-Molina
Kategorya: Drama, Komedya, Romance
Panulat ni: Carmi Raymundo, Jancy Nicolas, Gillian Ebreo, Cathy Garcia-Molina
Prodyusers: Charo Santos-Concio, Malou Santos
Bida nang Pelikula:
  • Liza Soberano bilang si Cali/Calixta – may-ari ng blog na “Bakit List”, hirap ng magtiwala dahil sa nangyari sa kaniyang mga magulang, niloko ni Gio.
  • Enrique Gil bilang si Gio – may-ari ng blog na “Dahil List”, ex-boyfriend ni Cali na gusto niyang balikan.
  • Ryan Bang bilang si Lee – bestfriend nina Gio at Cali na nag-imbita sa kanila sa Korea upang umatend sa kaniyang kasal.
  • Karen Reyes bilang si Nina – bestfriend ni Cali.
  • Joey Marquez bilang si Pops – ama ni Gio.
  • Ara Mina bilang ina ni Cali – niloko at madalas na pinagpapalit ng kaniyang ama sa ibang babae.
  • Emilio Garcia bilang ama ni Cali.
Taga-pamahagi: StarCinema
Bansa: Pilipinas
Lingguwahe: Tagalog, Ingles, Korean
Buod:
Si Cali ang blogger sa likod ng sikat na blog na “Bakit List” sa pen name na Delilah. Dati niyang nobyo si Gio na nangakong hindi siyang sasaktan at lolokohin ngunit hindi inaasahan na may mangyari dito at sa road manager niya nung lasing na lasing si Gio. Mula noon hirap ng magtiwala si Cali isali pa ang panlolokong ginawa ng kaniyang ama sa kaniyang ina. Lahat ng bakit ay itinatanong niya sa kaniyang blog na umaani ng madaming komento at followers. Hindi sinasadyang makita siya ni Gio sa isang blog conference na muli nagpabalik sa pagmamahal ni Gio kay Cali. Ginawa ni Gio ang lahat upang patawarin siya ni Cali at ipakita dito na nagbago na siya. Ngunit hindi naniniwala si Cali, hanggang unti unting muling mahulog ang loob niya kay Gio dahil sa pagpunta nila sa Korea.
Pagsusuri:
Pinuno muli ng direktor na si Cathy Garcia-Molina ng mga hugot lines at mga hindi makakalimutang mga linya ang pelikula na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Ang pelikula ay nagsimula sa isang babae na umoorder sa isang restaurant na umiiyak, habang naglalakad siya nagkasalubong sila ng isang lalaki at natapon ang order ng babae. Nagmamadaling umalis ang babae at ipinakita si Soberano bilang Cali kung saan nakaisip ito ng dapat na ipost sa kaniyang “Bakit List”. Halos common na ang istoryang ibinahagi sa atin ng pelikulang ito. At alam na alam na natin ang magiging katapusan ng mga ganitong klaseng pelikula.
Pero hindi pa rin natin matatanggi na relate na relate tayo sa mga linya at mga sinasabi ng bawat karakter. Na minsan naiimagine pa natin na nasa katayuan ng bidang lalaki o bidang babae. Tayong mga Filipino ay likas na mahilig sa mga romantikong pelikula. Relate ang iba dahil may mga parte ng buong palabas na nakuha o nahahawig sa pinagdaanan ng marami. Paano nga ba muling magtitiwala ang pusong nasaktan ng labis? Eto ang tanong na nais masagot ng ‘My Ex and Whys’.
Gumamit ang direktor ng mga pagbabalik tanaw upang mas bigyang diin ang mga pinagdaanan ni Cali at Gio. Nagbigay daan din ito upang mas madaling maintindihan ang kuwento at malaman kung saan nanggagaling ang sakit sa puso ni Cali.
Bagay na bagay din ang pagkanta ni Kyla sa theme song ng palabas na mas lalong nakapagpaganda sa eksena nila sa Korea.
Ibinahagi din ng palabas ang ilang magagandang lugar ng Korea lalo na ang Nami island kung nasaan ang sikat na orange trees.
Masyado maeffort sa parte ni Soberano ang pelikulang ito. Mas marami siyang mga dramatic scenes. Challenging sa parte niya. Ngunit kulang at halos hindi pa rin maramdaman ang kaniyang pag-arte. Kung hind dahil sa binibitiwan niyang mga salita baka akalain na ordinaryong eksena ito. May bigat ang kaniyang pagganap ngunit kailangan pa ng mas malalim na emosyon. Samantalang bumagay naman kay Gil ang pagiging chickboy na si Gio. Sinamahan pa si Gil ng mga nakakatuwang sina Joey Marquez, at Joross Gamboa na lalong nagpasaya sa pelikula. Sinuportahan din si Soberano nina Ara Mina, Cai Cortes, Karen Reyes at marami pang iba.
Sa huli masasagot ang katanungan kung bkit kailangan pang muling magtiwala sa taong nananakit sayo. Ating panoorin at suportahan ang “My Ex and Whys”.

Wednesday, March 15, 2017

Moana: Movie Review

Petsa nang Pagpapalabas: Nobyembre 23,2016

Haba nang Pelikula: 1oras 47minuto

Direktor: Ron Clements, John Musker

Kategorya: AnimasyonMusikalAksyonPantasyaKomedya

Panulat niJared Bush

Istorya ni: Ron Clements, John Musker, Chris Williams, Don Hall, Pamela Ribon, Aaron and Jordan Kandell

Prodyusers: Osnat Shurer

Bida nang Pelikula:
  • Auli’I Cravalho bilang boses ni Moana – anak ng pinuno ng tribo at pinili ng karagatan upang ibalik ang  puso ng Te Fiti.
  • Dwayne Johnson bilang boses ni Maui – sikat na shapeshifting demigod na sumama kay Moana sa kaniyang paglalakbay upang ibalik ang puso ng Te Fiti na kinuha niya dati.
  • Rachel House bilang boses ni Tala – ang lola ni Moana na nang-engganyo sa kaniya na umalis sa kanilang tribo at maglakbay papuntang Te Fiti.
  • Temuera Morrison bilang boses ni Tui – ang ama ni Moana.

Musika ni: Mark Mancina, Lin-Manuel Miranda, Opetaia Foa’i

Taga-ayos: Jeff Draheim

Taga-pamahagiWalt Disney Studios, Motion Pictures

Bansa: Estados Unidos

LingguwaheIngles

Buod:

Simula pagkabata pa lang mahilig na si Moana na maglaro sa dagat na mahigpit na tinututulan ng kaniyang ama na pinuno ng kanilang triboSinabi ng kaniyang ama na si Moana ang magmamana ng pamamahala sabuong tribo kaya kailangan niyang pag-aralan ito at hindi ang karagatanNoong bata siya madalas siyang laruin ng dagat na parang pinili talagasiya nito para sa isang paglalakbayMakalipas ang ilang taon nagdalaga siMoana at napansin niyang namamatay ang mga halaman at ang mgaprutas ay nangingitim sa kanilang lugarMaging ang mga isda ay walading mahuliNalaman ni Moana na ang kanilang tribo pala ay isang tribong mga manlalayag at itinatago lamang ng mga ito ang kanilang mgamalalaking bangka sa isang kuwebaMayroon ding kuwento ang kaniyanglola na maaring ang dahilan ng pagkamatay ng mga halaman at kagubatanay dahil sa pagkawala ng puso ng Te Fiti sa pamamagitan ng pagkuha ditong demi God na si Maui. Kailangan maibalik ang puso sa tamangkalagyan nito upang bumalik ang sigla ng kanilang lugarNagpasya si Moana na iwan ang kanilang tribo upang maglakbaydala ang puso ng TeFiti na mula sa karagatan kailangan niyang hanapin si Maui upangmatulungan siyang ibalik itoNahanap niya si Maui na nasa isang islapumayag si Maui na tulungan si Moana kung kapalit nito ay tutulungannaman siyang hanapin ang kaniyang hook. Nakuha nila ang hook ni Maui mula sa isang malaking crab, tinuruan din siya ni Maui na maglayag. Nang malapit na sila sa isla kung saan ibabalik ang puso biglang lumitaw angisang dambuhala ng apoy at natapon si Moana at Maui sa malayoDahil sapagkakaroon ng crack ng hook ni Maui nagalit siya kay Moana at iniwanito. Halos sumuko na din si Moana ngunit nagpakita sa kaniya ang kaniyang lola at muli siyang nagkalakas ng loob upang ibalik ang pusoDala ang tapang at talino muling bumalik si Moana sa isla at napagtagumpayan niyang makalusot sa dambuhalang apoy sa tulong nadin ng nagbabalik na si Maui. Naibalik ang puso sa dibdib ng dambuhalaat muling bumalik ang malusog na isla ng Te Fiti.

Pagsusuri:

Tiyak na papatok sa mga bata ang kuwento ng Moana. Hindi lang ito kapupulutan ng mga aral kundi matutuwa din ang lahat sa karakter ninaMoana at Maui. 

Ang kuwento ay nagsimula sa batang si Moana na pinili ng dagat upangibalik ang nawalang puso ng Te Fiti katulong ang demi God na si Maui. Maayos ang pagkakalahad ng kuwento at madali itong mainitndihan.Walang paikot ikot kundi direktang ikinuwento ang nais maiparating samga manonood.

Nakakatuwa din ang iba’t ibang karakter na mas lalong nakapagpasaya sakuwentoAndyan ang manok na napasama sa paglalakbay ni Moana nghindi sinasadyaMadalas itong pabigat kay Moana pero palagi parangnaliligtas. Ang tribo ng mga niyog na nais humuli kina Moana at Maui ay nakakatuwa din. Sino magaakala na magkakaroon ng isang tribo ng niyogna naglalakad at humuhuli pa ng tao

Nagbahagi din ng ilang paraan kung paano maglayag sa isang bangkaKung paano sukatin ang lamig at init ng tubig. Kung paano basahin angmga bituin at kung paano magtali sa isang bangkaKaragdagangimpormasyon din ang ibinahagi ng pelikulang ito.

Maraming aral ng buhay din ang natunghayan sa palabasUna ang hindipagsuko kahit gaano kahirap ang iyong pinagdadaananKahit mabigo saunang pagkakataonhuwag tumigil sa pagtatry upang makamit angminimitihing resultaPangalawa sundin ang kagustuhan ng puso dahilhindi ito magkakamali kung susundin natin ang ibinubulong nitoKung saan tayo magiging masaya ito ang gawin natin. At huli maging matapangsa mga pagsubok na maaring dalhin sa ating buhay.

Magaling ang pagkakaganap ng boses ni Johnson at bagay na bagay siyasa karakter ni Maui. Napakagaling din ng boses hindi lang sa pagganapkundi pati sa pagkanta ni Cravalho bilang si Moana.

Saktong sakto para sa mga bata at sa buong pamilya. Thumbs up sa lahatng gumawa ng pelikulanaenjoy ko hindi lang ang istorya kundi magingang kantahan.