Saturday, February 25, 2017

Kung Fu Yoga - Movie Review

Movie Poster
Petsa nang Pagpapalabas: Enero 27,2017
Haba nang Pelikula: 1oras 47minuto
Direktor: Stanley Tong
Kategorya: Aksyon, Adventure
Panulat ni: Stanley Tong
Prodyusers: Jackie Chan, Jianhong Qi, Jonathan Shen, Barbie Tung, Wei Wang
Bida nang Pelikula:
  • Jackie Chan bilang si Jack - isang magaling na archeologist.
  • Disha Patani bilang si Ashmita - isang prinsesa na nagpanggap na isang Indian professor para magpatulong kay Jack na hanapin ang kayamanan ng kaniyang mga ninuno.
  • Sonu Sood bilang si Randall - naghahangad din sa kayamanan at pinakakalaban sa pelikula.


Sinematograpiya ni: Wing-Hung Wong

Musika ni: Nathan wang, Komail-Shivaan


Taga-ayos: Chi-Leung Kwong
Taga-pamahagi: Taihe Entertainment, Shinework Pictures
Bansa:China, India, Dubai
Lingguwahe: English
Buod:
Isang magaling na archeologist si Jack. Humingi ng tulong sa kaniya si Ashmita na isang prinsesa na nagpanggap na Indian professor upang hanapin ang matandang kayamanan na naipasa sa kaniya ng kaniyang mga ninuno. Sa paghanap nito ang isa sa mga kamag-anak ni Ashmita na si Randall ay hinanap din ang kayamanan at napag-alaman na may nakitang mga clues si Jack. Hinanap nila ang kayamanan sa India at hindi nila inaasahan ang kanilang natagpuan.
Pagsusuri:
Hindi pa rin matatawaran ang komedya na handog ng mga pelikula ni Jackie Chan. Tiyak na katutuwaan ito ng buong pamilya.

Simple lang ang istorya at direkta ang paglalahad ng kuwento. Wala itong paligoy-ligoy at nakakaaliw ang mga eksena.

Bumida din ang ganda at aking kayamanan sa archeology ng bansang China at India. Naghabulan din sa mga kalye ng Dubai na nakadagdag sa maaksyong parte ng kuwento. Makulay ang bansang India at hitik na hitik sa mga makalumang kutura at kaugalian.

Nakakatuwa si Chan na siyang nagbibigay buhay sa kuwento. Bawat eksena ay puno ng katatawanan at aliw na magpapatawa sa lahat ng manonood.

Kung nais nintong maaliw at tumawa para sa inyo ang palabas na ito.

Wednesday, February 22, 2017

Fifty Shades Darker - Movie Review

Movie Poster
Petsa nang Pagpapalabas: Pebrero 8,2017
Haba nang Pelikula: 1oras 58minuto
Direktor: James Foley
Kategorya: Romance, Drama
Panulat ni: Niall Leonard

Base sa: Nobela ni E.L.James na Fifty Shades Darker
Prodyusers: Michael De Luca, E.L.James, Dana Brunetti, Marcus Viscidi
Bida nang Pelikula:
  • Dakota Johnson bilang si Anastasia/Ana Steele - iniibig ni Christian at nagtratrabaho sa SIP.
  • Jamie Dornan bilang si Christian Grey - iniibig ni Ana at may-ari ng Grey Corporation.
  • Eric Johnson bilang si Jack Hyde - boss ni Ana s SIP.
  • Bella Heathcote bilang si Leila Williams - isa sa mga dating submissive ni Christian na nakalabas sa mental upang patayin si Ana.
  • Kim Basinger bilang si Elena Lincoln - business partner ni Christian at dating lover.
  • Rita Ora bilang si Mia Grey - nakababatang kapatid ni Christian.
  • Marcia Gay Harden bilang si Grace Grey - ina ni Christian.
  • Andrew Airlie bilang si Carrick Grey - ama ni Christian.
  • Eloise Mumford bilang si kate Kavanagh - bestfriend ni Ana.


Sinematograpiya ni: John Schwartzman

Musika ni: Danny Elfman


Taga-ayos: Richard Francis-Bruce
Taga-pamahagi: Universal pictures
Bansa:Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Muling nagkabalikan sina Ana at Christian sa kondisyon ni Ana na wala na silang rules at sikreto. Nakilala ni Christian ang boss ni Ana sa SIP na isang publishing company. Hinarass nito si Ana kung kaya tinanggal ito ni Christian sa SIP. Nalaman ni Ana na kaya pala kayang magtanggal ng tao ni Christian sa SIP ay dahil naili na niya ito. Si Ana ang pumalit bilang bagong boss kapalit ng kaniyang dating boss na si Hyde. Unti-unting nakilala ni Ana si Chriatian. Ibinahagi nito sa kaniya ang kuwento ng kaniyang ina at kung bakit may boundary ang puwede ni Ana na hawakan sa katawan ni Christian. Lingid sa kaalaman nila nakalabas ng mental ang dating submissive ni Christian na si Leila. Gusto nitong patayin si Ana dahil sa isip nito siya ang nararapat para sa lalaki. Ngunit dumating si Christian at iniligtas si Ana. Muntik ng mapahamak si Christian ng magkasira ang pribadong chopper nito, mabuti na lang at nakaligtas ito. Narealize ni Ana na hindi niya kayang mawala si Christian kaya tinaggap niya ang kasal na inaalok nito. Tumutol dito si Elena ngunit wala ng nagawa ito ng ipagtanggol si Ana ng ina ni Christian.
Pagsusuri:
Punung puno ng romansa at pag-ibig ang bagong pelikula na hango sa ikalawang nobela ni E.L.James na 'Fifty Shades Darker'.

Pinakita at pinakilala sa pelikula ang madilim na nakaraan ni Christian. Gumamit ang direktor ng mga pagbabalik tanaw upang mas lalo pang maipaliwanag ang ilang mga eksena.

Ang mga dayalogo ay puno ng mga linya para sa dalawang taong nagmamahalan.

Sexying-sexy si Johnson sa kaniyang pagganap bilang si Ana. At bagay na bagay naman kay Dornan ang pagiging Christian sa personalidad at pisikal na kaanyuan.

Hindi angkop ang palabas sa mga bata sapagkat naglalaman ito ng mga eksena na hindi nararapat para sa kanila.

Sa kabuuan kung nabasa ninyo ang libro nito mapapansing madami ang pinalitan. Ngunit mahusay na na isa pelikula ang libro maliban sa ilang mga flaws na hindi maiiwasan sa palabas.

Wednesday, February 15, 2017

Pebrero 2017 Kilig Movies

Dahil buwan ng pag-ibig ngayon narito ang mga nakakakilig at kaabang-abang na mga pelikula na maaaring mapanood ngayong Pebrero. Para sa mga nasaktan, umiibig, umaasa, at patuloy na nagmamahal siguradong makakarelate kayo sa mga palabas na ito.


Palabas na sa lahat ng sinehan ngayon ang bagong serye ng ‘Fifty Shades of Grey’ na ‘Fifty Shades Darker’. Muli nating matutunghayan ang pag-iibigan nina Ana at Christian. Ngunit may magbabalik sa buhay ni Christian na hindi inaasahan ni Ana. Maipapakita na kaya ni Christian ang tunay na siya kay Ana upang hindi ito mawala sa kaniya sa dami ng kaniyang sekreto sa babae? Ating tunghayan ang wagas na pag-iibigan ng dalawa sa isa’t isa. Ang ‘Fifty Shades Darker ay ang pangalawang aklat ni E.L.James.


Kaabang abang din na pelikula ang pagbabalik tambalan ng LizQuen sa pelikulang ‘My Ex and Whys’ na ating mapapanood sa Pebrero 15, 2017. Ito ang handog ng StarCinema para sa araw ng mga puso. Siguradong marami ang makakarelate at maantig sa pelikulang ito. Si Liza Soberano ay si Cali na iniwan ng ex niyang Gio noon. Muling babalik sa buhay niya sa Gio at susubukang balikan si Cali. Naghilom na kaya ang sakit na naidulot ni Gio kay Cali? Handa na kaya si Cali na patawarin si Gio? Kinunan pa ang pelikula sa South Korea na tiyak magpapa-inlove sa lahat ng manonood nito. Ito ay sa ilalim ng batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina.


Inihahandog naman ng Tuko Film Productions Inc.at Buchi Boy Entertainment at sa ilalim ng direksiyon ni JP Habac ang isa pang kakilig-kilig na pelikula ang 'I'm Drunk, I Love You'. Pagbibidahan ito ni Maja Salvador at Paulo Avelino. Unang pagkakataon magtatambal ang dalawa sa pelikula. Si Salvador ay si Carson na matagal ng may pagtingin sa kaniyang bestfriend na si Avelino. Magroroad trip sila na magpapabago sa pagtingin nila sa isa’t isa. Ito ay ating mapapanood sa Pebrero 15, 2017. Para sa mga palaging bestfriend na lang ang tingin sa kanila ng kanilang mga minamahal siguradong swak na swak sa inyo ang palabas na ito.

Tunay nga naman na ang Pebrero ay buwan ng pagmamahalan. Ating ipakalat ang pagmamahalan sa isa’t isa.

Sunday, February 5, 2017

Ang Babae sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough – Movie Review

Theater Movie Poster
Petsa nang Pagpapalabas: Disyembre 25, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 25minuto
Direktor: Marlon Rivera
Kategorya: Komedya
Panulat ni: Chris Martinez
Prodyusers: Chris Martinez, Marlon Rivera
Bida nang Pelikula:
  • Eugene Domingo bilang si Eugene Domingo/Romina – demanding na aktres na gaganap bilang  si Romina sa pelikulang The Itinerary.
  • Jericho Rosales bilang si Cesar – napili ni Domingo na gumanap na Cesar sa kanilang pelikula kapalit ni Joel Torre.
  • Kean Cipriano bilang si Rainier – direktor ng pelikulang The Itinerary na may problema sa kaniyang asawa.
  • Cai Cortez bilang si Jocelyn – line producer ng pelikulang The Itinerary.
  • Khalil Ramos bilang si Lenon – batang production designer ng The Itinerary.
  • Joel Torre bilang si Cesar – orihinal na pinili ni Rainier na gaganap sa papel na Cesar.
Musika ni: Von de Guzman
Taga-ayos: Marya Ignacio
Kumpanya ng Produksyon: Martinez Rivera Films, Quantum Films, Tuko Film productions, Buchi Boy Films, MJM Productions
Taga-pamahagi: Quantum Films
Bansa: Pilipinas
Lingguwahe: Tagalog, Filipino
Buod:
Gagawa muli ng pelikula si direk Rainier at gusto niyang si Eugene Domingo ang gumanap na Romina na bidang babae. Kung kaya inimbitahan ni Domingo si Rainier, Jocelyn ang line producer at Lenon ang production designer sa The Farm El Corazon upang pag-usapan ang pelikula. Habang nagrerelax sila maraming suhestiyon si Domingo na mga pagbabago. Una gusto niyang palitan ang kaniyang makakapareha. Nauna nang napili ni direk Rainier si Joel Torre ngunit gusto itong palitan ni Domingo at gawing si Jericho Rosales. Pangalawa gusto niyang magkaroon ng bestfriend sa palabas si Romina at ang gaganap nito ay si Vice Ganda sa halip na si Agot Isidro na gusto ni Jocelyn. Pangatlo ang magkaroon ng hugot linya sa isang eksena sa restaurant nila ni Jericho. Pang-apat ang magkaroon ng eksena sa sunset. At panghuli palitan ang setting ng session road at gawin sa Burnham park. Sa dami ng suhestiyon ni Domingo halos naiiba na ang istorya na nakikita ng direktor sa kuwento. Sa mga oras ding iyon may problema na si Rainier at ang kaniyang asawa. Nais sana niyang ialay ang pelikulang ito sa kaniyang asawa upang punuan lahat ng kaniyang pagkukulang dito ngunit nalaman niya sa text mula dito na iniwan na siya at umalis na kasama ang kanilang anak. Sa huli hindi na natuloy ang pelikula sa ilalim ng direksyon ni Rainier.
Pagsusuri:
Ang pelikula ay isa sa naging kalahok sa Metro Manila Film Festival 2016 sa ilalim ng direksyon ni Marlon Rivera. Ito ay ang pangalawang pelikula ni Eugene Domingo at ang una ay ‘Ang Babae sa Septic Tank’ kung saan pumasok sa tangke ng dumi si Domingo.
Noong una hesitant ako manonood ng mga indie movies since maliit ang budget nila for production baka hindi maganda at tinipid lng ito ngunit nagkamali ako. Hindi man ganoon kalaki ang pondo nila, dinala naman ito ng magandang istorya at kuwento.
Maganda ang nais ipahiwatig na mensahe ng direktor na si Rivera. Nagpapakita ito ng tunay na mga pangyayari at tunay na nagaganap sa pagbuo ng isang pelikula. Ang pagpili ng mas batang bida sa mga palabas ay maaring humakot at tangkilikin ng manonood. Ang pagkakaroon ng mga mga linyang tatak ay tiyak na makakapg-paalala sa iyo ng pelikula. Ngunit nais ipaliwanag ng palabas na ‘Ang Babae sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough’ na hindi ito ang tunay na nangyayari sa tunay na buhay. Inililigaw lang tayo ng mga palabas upang maniwala sa mga happy ending. Pansamantalang paglimot habang nanonood ng pelikula na ginawa sa imahinasyon ngunit pag-uwi natin muli nating haharapin ang mga problema. Ika nga ni Domingo walang nanonood ng pelikula kung mga sufferings lang din ang makikita, siguradong hindi ito papanoorin. Ganito na ang sistema ng pelikula sa ating bansa.
Malalim ang pinanggagalingan ng istorya nito. Kung titingnan akala sa una isang nakakatawang kuwento lang ito at nais lang magpasaya. Ngunit pinakikita nito ang katotothanan. Isang katotohanan na bihirang gawin ng mga malalaking kumpanya sa kadahilanan baka hindi kumita ang kanilang palabas. Hindi nito sinasabi na wala ngang forever pero karamihan ng totoong sitwasyon na nakikita natin sa ating mga napapanood ay hindi makatotohanan. Pinapaniwala tayo upang bigyan ng pag-asa at mapasaya kahit panandalian lamang.
Hindi matatawaran ang pagganap ni Domingo, tanging siya lang ang nababagay sa mga ganitong klaseng pelikula. Magaling din ang support cast nina Cortez, Rosales, Torre, Ramos, at Cipriano. Hindi man big time ang production nila ngunit magandang mensahe naman ang naipaabot nito sa mga manonood.
Madalas sa mga indie movies gaya nito ay tumatalakay sa mga tunay na sitwasyo at pangyayari ng ating bansa. Sana ito ay maging simula ng mas marami pang pelikula na magmumulat sa atin at magbibigay kaalaman sa lahat. Nawa’y tangkilin din natin ang mga ganitong klaseng palabas. Siguradong magiging bukas isip tayo at mas malalaman natin ang mga pangyayari sa ating paligid.
Saludo ako sa mga tao sa likod ng mga pelikulang gaya nito.

Friday, February 3, 2017

My Ex and Whys: Official Movie Posters

Narito na ang posters ng Valentine movie offering ng StarCinema na 'My Ex and Whys'. Ang pelikula ay mapapanood natin sa lahat ng sinehan sa Pebrero 15,2017.



Kitang kita ang magandang chemistry nina Soberano at Gil sa mga posters nila sa movie. Tiyak na muli na namang pakikiligin ng LizQuen ang lahat ng kanilang fans.


Kitang kita din ang magandang background at setting ng palabas na kinunan pa sa South Korea.

Ang pelikula ay tungkol kay Cali (Liza Soberano) na may-ari ng isang sikat na blog site. Muling babalik sa buhay niya ang ex niyang si Gio (Enrique Gil) na sinaktan siya noon. Muli kayang matatanggap ni Cali si Gio. Masasagot na kaya ang lahat ng BAKIT ni Cali sa pag-iwan ni Gio sa kaniya noon. Abangan natin lahat ang sagot sa