Theater Movie Poster |
Petsa nang Pagpapalabas: Disyembre 25, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 25minuto
Direktor: Marlon Rivera
Kategorya: Komedya
Panulat ni: Chris Martinez
Prodyusers: Chris Martinez, Marlon Rivera
Bida nang Pelikula:
- Eugene Domingo bilang si Eugene Domingo/Romina – demanding na aktres na gaganap bilang si Romina sa pelikulang The Itinerary.
- Jericho Rosales bilang si Cesar – napili ni Domingo na gumanap na Cesar sa kanilang pelikula kapalit ni Joel Torre.
- Kean Cipriano bilang si Rainier – direktor ng pelikulang The Itinerary na may problema sa kaniyang asawa.
- Cai Cortez bilang si Jocelyn – line producer ng pelikulang The Itinerary.
- Khalil Ramos bilang si Lenon – batang production designer ng The Itinerary.
- Joel Torre bilang si Cesar – orihinal na pinili ni Rainier na gaganap sa papel na Cesar.
Musika ni: Von de Guzman
Taga-ayos: Marya Ignacio
Kumpanya ng Produksyon: Martinez Rivera Films, Quantum Films, Tuko Film productions, Buchi Boy Films, MJM Productions
Taga-pamahagi: Quantum Films
Bansa: Pilipinas
Lingguwahe: Tagalog, Filipino
Buod:
Gagawa muli ng pelikula si direk Rainier at gusto niyang si Eugene Domingo ang gumanap na Romina na bidang babae. Kung kaya inimbitahan ni Domingo si Rainier, Jocelyn ang line producer at Lenon ang production designer sa The Farm El Corazon upang pag-usapan ang pelikula. Habang nagrerelax sila maraming suhestiyon si Domingo na mga pagbabago. Una gusto niyang palitan ang kaniyang makakapareha. Nauna nang napili ni direk Rainier si Joel Torre ngunit gusto itong palitan ni Domingo at gawing si Jericho Rosales. Pangalawa gusto niyang magkaroon ng bestfriend sa palabas si Romina at ang gaganap nito ay si Vice Ganda sa halip na si Agot Isidro na gusto ni Jocelyn. Pangatlo ang magkaroon ng hugot linya sa isang eksena sa restaurant nila ni Jericho. Pang-apat ang magkaroon ng eksena sa sunset. At panghuli palitan ang setting ng session road at gawin sa Burnham park. Sa dami ng suhestiyon ni Domingo halos naiiba na ang istorya na nakikita ng direktor sa kuwento. Sa mga oras ding iyon may problema na si Rainier at ang kaniyang asawa. Nais sana niyang ialay ang pelikulang ito sa kaniyang asawa upang punuan lahat ng kaniyang pagkukulang dito ngunit nalaman niya sa text mula dito na iniwan na siya at umalis na kasama ang kanilang anak. Sa huli hindi na natuloy ang pelikula sa ilalim ng direksyon ni Rainier.
Pagsusuri:
Ang pelikula ay isa sa naging kalahok sa Metro Manila Film Festival 2016 sa ilalim ng direksyon ni Marlon Rivera. Ito ay ang pangalawang pelikula ni Eugene Domingo at ang una ay ‘Ang Babae sa Septic Tank’ kung saan pumasok sa tangke ng dumi si Domingo.
Noong una hesitant ako manonood ng mga indie movies since maliit ang budget nila for production baka hindi maganda at tinipid lng ito ngunit nagkamali ako. Hindi man ganoon kalaki ang pondo nila, dinala naman ito ng magandang istorya at kuwento.
Maganda ang nais ipahiwatig na mensahe ng direktor na si Rivera. Nagpapakita ito ng tunay na mga pangyayari at tunay na nagaganap sa pagbuo ng isang pelikula. Ang pagpili ng mas batang bida sa mga palabas ay maaring humakot at tangkilikin ng manonood. Ang pagkakaroon ng mga mga linyang tatak ay tiyak na makakapg-paalala sa iyo ng pelikula. Ngunit nais ipaliwanag ng palabas na ‘Ang Babae sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough’ na hindi ito ang tunay na nangyayari sa tunay na buhay. Inililigaw lang tayo ng mga palabas upang maniwala sa mga happy ending. Pansamantalang paglimot habang nanonood ng pelikula na ginawa sa imahinasyon ngunit pag-uwi natin muli nating haharapin ang mga problema. Ika nga ni Domingo walang nanonood ng pelikula kung mga sufferings lang din ang makikita, siguradong hindi ito papanoorin. Ganito na ang sistema ng pelikula sa ating bansa.
Malalim ang pinanggagalingan ng istorya nito. Kung titingnan akala sa una isang nakakatawang kuwento lang ito at nais lang magpasaya. Ngunit pinakikita nito ang katotothanan. Isang katotohanan na bihirang gawin ng mga malalaking kumpanya sa kadahilanan baka hindi kumita ang kanilang palabas. Hindi nito sinasabi na wala ngang forever pero karamihan ng totoong sitwasyon na nakikita natin sa ating mga napapanood ay hindi makatotohanan. Pinapaniwala tayo upang bigyan ng pag-asa at mapasaya kahit panandalian lamang.
Hindi matatawaran ang pagganap ni Domingo, tanging siya lang ang nababagay sa mga ganitong klaseng pelikula. Magaling din ang support cast nina Cortez, Rosales, Torre, Ramos, at Cipriano. Hindi man big time ang production nila ngunit magandang mensahe naman ang naipaabot nito sa mga manonood.
Madalas sa mga indie movies gaya nito ay tumatalakay sa mga tunay na sitwasyo at pangyayari ng ating bansa. Sana ito ay maging simula ng mas marami pang pelikula na magmumulat sa atin at magbibigay kaalaman sa lahat. Nawa’y tangkilin din natin ang mga ganitong klaseng palabas. Siguradong magiging bukas isip tayo at mas malalaman natin ang mga pangyayari sa ating paligid.
Saludo ako sa mga tao sa likod ng mga pelikulang gaya nito.
anu po ang pangyayari sa ang babae sa septic tank 2
ReplyDelete