Theater Movie Poster |
Petsa nang Pagpapalabas: Marso 16, 2017
Haba nang Pelikula: 2oras 9minuto
Direktor: Bill Condon
Kategorya: Musikal, Pantasya, Romantiko
Panulat ni: Stephen Chbosky, Evan Spiliotopoulos
Base sa: Beauty and the Beast ni Jeanne-Marie Leprince de Beaumont
Prodyusers: David Hoberman, Todd Lieberman
Bida nang Pelikula:
- Emma Watson bilang si Belle – magandang dalaga na nakakita ng kabutihan kay beast at nainlove dito.
- Dan Stevens bilang si Beast – ang prinsipe na naging beast dahil sa kaniyang kayabangan.
- Luke Evans bilang si Gaston – dakilang manliligaw ni Belle na may masamang ugali.
- Kevin Kline bilang si Maurice – mapagmahal na ama ni Belle.
- Josh Gad bilang si Lefou – kaibigan ni Gaston
- Ewan McGregor bilang si Lumiere – naging candelabra.
- Stanley Tucci bilang si Maestro Cadenza – naging piano.
- Audra McDonald bilang si Garderobe – naging wardrobe.
- Gugu Mbatha-Raw bilang si Plumette – naging feather duster.
- Ian McKellen bilang si Cogsworth – naging mantel clock
- Emma Thompson bilang si Mrs Potts – naging teapot.
Musika ni: Alan Menken
Sinematograpiya ni: Tobias Schliessler
Taga-ayos: Virginia Katz
Taga-pamahagi: Walt Disney Studios, Motion Pictures
Bansa: Estados Unidos
Lingguwahe: Ingles
Buod:
Isang mabait na anak si Belle. Mahilig siyang magbasa at alamin ang mga bagay bagay. Dahil dito tingin sa kaniya ng mga tao sa kanilang nayon ay kakaiba. Matagal ng nanliligaw sa kaniya si Gaston ngunit hindi niya ito magustuhan dahil sa kayabangan nito. Isang araw umalis ang kaniyang ama at nangako kay Belle na dadalhan ang dalaga ng rosas na hiniling nitong pasalubong mula sa ama sa pagbabalik nito. Habang naglalakbay pabalik si Maurice (ama ni Belle) biglang tinamaan ng kidlat ang isang puno at humarang sa kaniyang daanan kung kaya’t iniba niya ang kaniyang daan. Nakaligtas siya sa mga humahabol na lobo at napunta sa isang kastilyo upang magpahinga at magpainit. Ngunit nagulat siya sapagkat maraming mga bagay ang nagsasalita kung kay kumaripas siya ng takbo. Ngunit bago umalis nakakita siya ng mga puting rosas at naisip na pumitas ng isa para sa kaniyang anak ngunit nahuli siya ng Beast at kinulong. Nalaman ito ni Belle at iniligtas niya ang ama sa kastilyo. Si Belle ang nagpabihag imbes na ang kaniyang ama. Nalaman ni Belle na maraming buhay na kasangkapan sa kastilyo. Tinulungan siya ng mga ito upang makakain, magkaroon ng kuwarto at maayos na damit. Pinagbawalan siya ng mga ito na pumunta sa silangang bahagi ng kastilyo ngunit mapilit pa din si Belle at nakita niya ang isang rosas na unti unting nauubusan ng mga talulot. Nakita ito ni Beast at agad na pinaalis si Belle doon. Sa pagalis ni Belle nakasalubong siya ng mga lobo at tinulungan siya ni Beast upang makatakas. Sugatan si Beast matapos ang pakikipaglaban sa mga lobo kung kaya dinala siya ni Belle sa palasyo upang alagaan. Naging malapit ang dalawa at nagsimulang umibig sa isa’t isa. Nalaman ni Belle na kinulong ng mga tao ang kaniyang ama kaya umuwi siya at iniwan si Beast. Naligtas niya ang ama at bumalik kay Beast upang iligtas ito sa kamay ni Gaston at ng mga tao. Ngunit binaril ni Gaston si Beast na ikinamatay nito. Sinabi ni Belle na mahal niya si Beast at muling nabuhay ang kastilyo. Naging tao muli si Beast at ang mga kasagkapan sa buong palasyo.
Pagsusuri:
Isa na namang sikat na Walt Disney fairy tale ang isina pelikulang muli. Isang klase ng pelikula na klasiko at kahit kailan ay hindi na makaklimutan ang “Beauty and the Beast”.
Ang kuwento nito ay tungkol sa isang prinsipe na naging halimaw dahil sa kayabangan at tanging tunay na pagmamahal lamang ang makakapagpabalik sa kaniya sa dati. Walang iniba at halos parehong pareho ang lahat ng karakter sa pelikulang ito sa Disney adaptation ng palabas.
Hinaluan ng musika ang bawat eksena upang mas maging kasiya siya at katuwa tuwa ito sa mga manonood. Tiyak na magugustuhan ito ng mga bata.
Bagay na bagay ang pagganap ni Watson bilang si Belle. At kuhang kuha naman ang kaanyuan ni Beast sa pelikula. Buhay na buhay din ang pagkakagawa sa mga gumagalaw na kasangkapan na hindi mo iisipin na kathang isip lamang.
Thumbs up sa gumawa ng pelikula. Napakaganda at punong puno ng aral.